Thursday, November 13, 2008

PBB Teen edition 2 finalist, binabahay na ng bakla

Kaya pala hindi na nagpursige pang mag-artista ang male PBB Teen Edition 2 finalist ay dahil may mayamang bading na sumusuporta sa kanya ngayon.

Hindi matanda ang bading na lover ng newcomer. Nasa early 20s lang ito, pero super rich. Kaibigan nito ang ilan pang mga showbiz personalities.
Ang PBB Teen 2 finalist ay nakatira sa bandang North. Malapit lang sa lugar nila ang rich gay niyang lover.

May tsismis na noon pa tungkol sa binatang ito bago pa man pumasok sa Bahay ni Kuya. Kung sinu-sino ang nagke-claim na natikman nila ang matangkad na bagets.
Para makasiguro si gay lover na siya lang ang dyowa ng bagets, pinalitan niya ang cellphone at number nito. Lahat ng koneksyon nito sa iba pang bading na natsitsismis din sa bagets ay pinutol niya.

May ilang mga taga-showbiz ang nakakaalam ngayon ng bagong number ng matangkad na newcomer. Pero ang gay lover niya ang sumasagot kapag may nagte-text sa kanya.

“May nag-text nga sa kanya dati na nagpakilalang manager at direktor. Pinapupunta siya sa isang audition. Nangako ring tutulungan niya yung bagets. Pero nabasa ‘yon ng kanyang gay lover. Sinagot niya ang text ng: “No, thank you! Hindi na ako mag-aartista.”

Wednesday, November 12, 2008

“Pinoy Fear Factor” contestant Jose Sarasola says he has no nude photos and sex video

Bago pa man mapanood ang bagong ABS-CBN reality show na Pinoy Fear Factor, na nagsimula kagabi, November 10, kumalat sa Internet ang nude photos at sex video diumano ng isa sa participantes nito na si Jose Sarasola. Ang naturang mga larawan at video ay nagpapakita sa isang lalake na nasa aktong nagpapasaya ng kanyang sarili sa harap ng computer.
Pero sa isang statement na ipinalabas ng direktor ng Pinoy Fear Factor na si Laurenti Dyogi, itinanggi niya na si Jose ang lalaking nasa mga larawan at video.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap nang personal si Jose upang kunin ang kanyang panig. Mariin ding pinabulaanan ng 22-year-old aspiring chef at Culinary Arts student sa La Salle College of St. Benilde na siya ang nasa larawan at video na kumakalat sa Internet.

“Definitely that’s not me,” deklara niya. “Sa buhok pa lang sa katawan, mabuhok ako. Siya [the guy in the picture], hindi siya mabuhok. Pango yung ilong niya, saka he’s more Chinese, e. He doesn’t even look Filipino or Spanish, so malayo talaga.

Dagdag niya, “I was shocked talaga na it came out like that. Pero obvious naman na hindi talaga ako yung guy na nasa pictures o scanner, o kung sinuman yun kasi talagang malayo. Especially for people I’ve been with, friends ko or people who really know what I look like, talagang malayo yung difference.”

Siniguro rin ni Jose na hindi niya gagawin ang ganitong mga bagay.

“I’ll never do that, baka palayasin ako ng Daddy ko sa bahay namin!” tawa niya. “I’m assuring all the fans of Fear Factor and ABS, and fans ko na hindi talaga ako yung nasa nude photos.”
Wala ring ideya si Jose kung sino ang nagpasimula at nagkalat ng mga naturang mga larawan at video sa Internet, na pinapalabas na siya. May balak ba siyang hanapin o idemanda ang nagkalat ng mga naturang nude photos at sex video?

“Hindi ako gagawa ng anumang action,” sagot ni Jose. “If I’ll look for the guy or sue any Internet [website], wala because hindi naman talaga ako yun. Not a big deal talaga sa akin.”
Noong una raw ay binalewala ni Jose ang nasabing mga balita. Pero ang nakaalarma sa kanya ay nang makita na niyang naapektuhan ang kanyang mga magulang, lalo na’t ang mommy pa niya ang nagsabi sa kanya tungkol dito.

“At first I didn’t mind it kasi I just thought lang na because Fear Factor is coming out, all these things popping out. So, parang balewala lang. But then, more people are texting me and letting me know na I have pictures daw on the ‘Net. So I checked it and malayo naman.
“I’m not making it a big deal kasi hindi ko naman talaga kamukha yung guy. Medyo nag-worry ako and nainis na rin because it’s affecting my parents. Our family is very religious. My parents taught me good morals in life. When it starts affecting my parents, and being the only child in the family, you don’t want your parents to be sad.

“Actually, it’s my mom who saw it sa ‘Net, na parang may nude photos nga raw ako. My mom knows me naman very well, so hindi naman siya naniwala,” lahad ng 22-anyos na si Jose.
Maging ang mga taga-Pinoy Fear Factor ay pinagtawanan lang daw ang isyu dahil alam ng mga ito na hindi talaga siya ang nasa hubad na larawan at sex video.

“They were laughing about it, kasi I’ve been with them for a long time. And being in the show, they know what I really look like talaga,” sabi ng Pinoy Fear Factor contestant.

Sa sinasabi naman ng iba na karamihan sa mga mayayaman ay nabu-bore na sa buhay kung kaya’t gumagawa ng mga kakaibang bagay na magbibigay sa kanila ng kakaibang excitement, inisa-isa ni Jose sa PEP ang activities na kanyang pinagkakaabalahan. Imposible raw ang espekulasyon na ito sa kanya ng iba.

“Exag lang ‘yan because I’m still doing my OJT [on-the-job training], I’m going to graduate na February next year. I want to be a chef so I’m preparing to open a business next year. I’m doing a lot of planning with my parents with what kind of restaurant, at saka kung saan ko bubuksan yung resto. I’m pretty busy in gym. I play basketball almost every day and Fear Factor came out. I have a busy life, hindi ako bored sa buhay ko and I’m enjoying it,” pagtatapos ni Jose.