Friday, January 11, 2008

Pacquiao on Internet photos: Paninira lamang

Kalat na kalat na ngayon sa Internet ang mga litrato ng boxing champ na si Manny Pacquiao kasama ang dalawang babae—hindi ang misis niyang si Jinkee Pacquiao—habang nasa loob diumano ng Embassy Bar sa The Fort, Taguig City.

Ang mga naturang mga larawan ay nailabas na rin ng isang daily nationwide broadsheet kahapon, January 9.

Ipinadala rin ang mga naturang larawan ni Pacquiao sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

Pitong larawan ang nakuha ng PEP, kung saan naka-pink na long-sleeve polo si Manny.

Dalawa sa mga litratong ito ay kasama ni Manny ang isang babae na naka-empire cut top habang nakikipagsayaw. Sa limang larawan naman ay kasama ng Pambansang Kamao ang isang babae na naka-green.

Kumpara sa naka-empire cut na babae, mas nakakagulat ang mga larawan ni Manny kasama ang babaeng naka-green. Makikita sa mga larawan na magkadikit ang mga katawan ng dalawa at meron ding magkadikit ang kanilang mga mukha, na tila nagbubulungan.

Base rin sa mga larawan, masasabing nasa dance floor si Manny kasama ang dalawang babae dahil may mga nagsasayaw ring iba sa paligid nila. Sa isang larawan ay makikita ang spokesperson at matalik na kaibigan ni Manny na si Reli de Leon.

Sa pagkakalap ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga kontrobersiyal na mga litrato ni Manny, nakausap ng PEP ang mismong part-owner ng Embassy na si Tim Yap.

Kinumpirma ni Tim na sa loob nga ng Embassy Bar kinunan ang mga naturang larawan.

Ayon kay Tim, frequent visitor daw nila sa Embassy si Manny at sa tantiya niya, noong early December 2007 daw kinunan ang mga kumakalat ngayong mga larawan.

Pero nilinaw ni Tim na wala silang kinalaman kung anuman ang mga ginagawa ng kanilang mga customers sa loob ng kanilang bar.

Nagbigay rin ng official statement si Tim in behalf of Embassy. Narito ang kanyang pahayag:

"Embassy as an establishment will always uphold the confidentiality that goes with the territory. Whatever we see and hear from other people, that's part of their own freedom and responsibility. It's their own discretion to do what they choose to do. In the end, we are just after clean, wholesome fun. We say no to violence and anything immoral in the eyes of the public. Whatever happens inside the club, stays inside the club."

Samantala, mula sa isa pang source ay napag-alaman ng PEP na ang pangalan diumano ng babaeng naka-green na kasama ni Manny ay "Donna," na kamukha raw ng sexy actress na si Diana Zubiri.

Sa panayam ng 24 Oras kay Manny kagabi ay sinabi nitong matagal na raw nakunan ang mga naturang mga larawan at paninira lamang ito sa kanya.

0 comments: